ang batang si mikoy
si jojo may gi-joe
si martel may ninja turtle
si robert may robot
si papi may psp
eh ako bakit wala?
bakit patintero?
bakit piko?
at tumbang preso?
mabait naman ako
nagdadasal naman ako
nagsisimba pa
at tumutupad ng pangako
biglang sinabi ni Lord
di dapat maingit
di dapat malungkot
sapagkat ang pangako
ay kanyang inako
walang mahirap sa kanya
walang hindi puwede
di dahil mabait ako
pero dahil mahal niya tayo
muli akong naglaro
at naging world champion
sa patintero at sa piko
pati na rin tumbang preso
daig pa ang saya
sa may psp at mga laro nito
dahil sa mata ng Diyos
ako ang panalo!
